kitty
bakit nga ba ako nabansagang pusa?
hindi naman ako tamad na katulad ni Garfield,
hindi rin kasing-cute ni Hello Kitty,
at lalong hindi lalake gaya ni Felix ...
simula noong ako'y bata pa lamang, "kit" na ang palayaw sa akin ng aking mga kaibigan ...
mukha daw akong pusa (huwag ka ng magtaka, mas ipinagpapasalamat ko pang matawag na mukhang pusa kaysa sa ibang hayop diyan, pasintabi po, na katulad ng kabayo, unggoy, at kung anu-ano pa!)
ano nga ba ang katangian ng pusa na meron ako?
malambing -- ehem, given na yan!
playful -- well, in some aspects, i guess!
eto ang pinakamalupit sa lahat ng nabanggit sa akin ng ibang malilibog kong kaibigan -- maingay makipag-sex -- at wala akong komento ukol dito ... (makapagtanong nga mamaya, hehe)
kilala ang mga pusa sa pagkakaroon ng 9 na buhay ...
malamang isa din yun sa mga dahilan kung bakit nasabi nilang may lahi ata akong pusa ...
=ilang beses na akong nadidisgrasya at umaabot pa sa bingit ng kamatayan (sayang 'no?, basta masamang damo, mahirap mamatay, sandali, don't tell me pati ang pagiging masamang damo, lahi na rin?)
=naging malas din ako sa buhay-pamilya.
masungit ngunit maalaga ang nanay ko,
babaero ang tatay ko,
pasaway sa eskwela ang ate ko,
dating bulakbol ang kuya ko,
namatay ang sumunod sa akin nung siya'y ipinanganak,
hindi marunong sa gawaing bahay ang kapatid kong highshool na lalaki,
at ang bunso namin ang natatanging anghel sa pamilyang ito, maliban na lang pag inatake ng tantrums nya ... lagot!
malamang, dito ko din nasayang ang ibang buhay sa 9 n meron ako noon.
=sa aspeto ng pag-ibig
naku .... dito ata ako pinagkaitan ng kalangitan
naging malungkot, masakit at karumal-dumal (you've read it right, dear) ang mga past sa love life ko,
hindi ko na mabilang kung ilang beses akong namanhid, namatay sa sarili kong damdamin ng mga panahong umibig ako,
pero noon yun, aba, masaya ata ang lovelife ko ngayon ano? hehe
lumabas ako saglit para bumili ng yosi ...
kung marami ng nalagas sa 9 kong buhay ng dahil sa mga disgrasyang natamo ng aking maliit at maselang katawan, kalungkutan at pighati sa pamilya, karahasan (karahasan talaga eh!) at dusa sa aking buhay-pag-ibig, may ekstrang buhay pa kayang natitira para sa aking kamatayan na matatamo sa paghithit nitong sigarilyo ko?
mmmmeeeeeeoooowwwwwwwwww
Facebook Badge
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


XD
ReplyDeletenc 1... XD
tenchu puh
ReplyDeletecnxa n, first time eh
XD
nice.. follow me, i'll follow you..
ReplyDeletekabobo..